Hindi nagtimping sitahin ng talent manager na si Ogie Diaz ang ina ni Jake Zyrus na kamakailan ay sinabing ang dating anak na si Charice Pempengco ay “legendary” ng Pinas, matapos tila paringgan ang naging guesting ni Morissette Amon sa kamakailangang concert ni David Foster sa bansa.

Basahin: Morissette, wala raw binatbat sa ‘legendary’ anak na si Charice, sey ni Raquel Pempengco – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Bagaman burado na ang naturang post ay marami na ang nakapag-screenshot sa agaw-atensyong post ni Raquel Pempengco, ang ina ng transman singer kamakailan.

“Kahit tanggalin mo pa ‘yan, ‘di pa rin ‘yan matatanggal sa kamalayan ng mga tao na may hanash ka, may kuda ka Mommy Raquel. Wala naman problema, magkaiba naman si Charice Pempengco at si Morissette Amon. Kung feeling mo, ‘di nabigyan ng justice ni Morissette Amon ‘yung kanta at ‘yung anak mo lamang ang makakakanta, eh babalik na naman tayo sa dati na parang hindi mo talaga gusto ang pagbabagong-anyo ni Charice Pempengco na ngayo’y Jake Zyrus na,” sey ni Ogie.

Tsika at Intriga

Marc Nelson, nagsalita matapos madawit sa legal battle nina Maggie Wilson-Victor Consunji

“Kasalanan ba ni Morissette kung kumanta siya? Kasalanan din ba ni David na pakantahin niya ‘yung kanta niya kay Morissette? Wala rin naman kasalanan si Charice kung magbago siya ng anyo, pero para magsalita ka ng ganito ay parang hindi maganda,” pagpapatuloy ng talent scout.

Dagdag niya, dahil umano rito ay kinuyog tuloy siya ng netizens. Ani pa ni Ogie, dapat na umanong tanggapin ng ina na nagbabago ang mga tao at kabilang na rito ang anak na si Jake, at ang boses nito.

“Maging phase ng ibang tao, sa boses ng anak mo nagbabago. Maaaring kaya pa rin ibirit ni Jake Zyrus ang kanta ng dating Charice Pempengco. Nakakaloka ito, paano kapag si Charice na ang pakantahin ni David, wala ka nang masasabi ganun? Dahil iba pinakanta, may nasasabi ka na. Hindi maganda ang pag-uugali na ganun, Mommy Raquel,” talak ni Ogie.

“‘Yung opinyon mo ginagalang ko pero syempre tingnan mo naman nag-opinyon ang mga tao. Binabash ka tuloy. Baka pwede mong –i-asses ang sarili mo kung saan ka nagkamali. Kung nagkamali ka ba sa mga kuda mo,” pagpapatuloy ng talent manager.

Paglilinaw naman niya, “walang problema” kung nais lang na depensahan ng ina ang anak gayunpaman ay dapat wala umanong nadadawit sa isyu.

“Walang problema kung ipagtatanggol moa ng anak mo kasi anak mo ‘yan. Walang problema kung idedepensa mo siya at kung feeling mo si Charice lang o si Jake Zyrus lang ang makakapagbigay ng justice sa song. Ang problema, may sinasagasaan kang tao,” sey ni Ogie.

“Yun ang hindi maganda. Kaya sana baguhin mo ang ganyang pag-uugali ha, Mommy Raquel. Hindi pa huli ang lahat, kaya mo pang gawin ‘yan.”

Basahin: Panourin: Kaloka! Morissette Amon, ‘naghalimaw’ sa concert ni David Foster – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaan ang pinalakpakang performances kamakailan ni Morissette sa serye ng show ni David Foster sa The Theatre at Solaire.

Samantala, wala namang reaksyon pa si Morissette sa isyu sa pag-uulat.