Nanawagan si Pangulong Ferdinand Marcos, Jr. saArmed Forces of the Philippines (AFP) at sa Philippine Air Force (PAF) na panatilihing nasa kondisyon at laging handa ang kanilang military assets upang maipagtanggol ang bansa sakaling magkaroon ng panlabas na banta sa seguridad.

“I therefore direct the Philippine Air Force and the AFP to continue developing your capabilities for conducting maintenance and repair to keep all our military assets ready to go,” pagdidiin ni Marcos matapos inspeksyuninang dalawang C-130T ng PAF na nasa Clark Air Base sa Pampanga nitong Biyernes.

Aniya, magiging malaking tulong sa iba't ibang misyon ng PAF, lalo na sa humanitarian assistance at disaster response operations ang naturang dalawang recommissioned aircraft.

Pinahalagahan din ng Pangulo ang dalawang bansang naging katuwang ng gobyerno--ang United States government at Portugal na gumawa ng paraanpara magamit ang mga nasabing sasakyang-panghimpapawid.

Philippine News Agency