Pinapayagan na muling dumaan sa EDSA ang mga provincial bus ngayong Semana Santa.

Sa abiso ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), maaaring dumaan ang mga bus sa EDSA simula 10:00 ng gabi hanggang 5:00 ng madaling araw sa Abril 2-5, at 24 oras naman sa Abril 6-10.

Ito ay dahil sa inaasahang pagdagsa ng mga biyahero ngayong Holy Week.

Paliwanag ng MMDA, ang mga bus na mula sa Northern Luzon ay hihinto sa kanilang terminal sa Cubao, Quezon City.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Ang mga bus naman na mula sa South Luzon, hihinto sa kanilang terminal sa Pasay City.

Idinahilan ng MMDA, tinitiyak lamang nila na maginhawa ang mga pasaherong uuwi sa kani-kanilang probinsya ngayong long weekend.