Umakyat na sa 35 ang nasawi matapos umanong bumagsak ang bubungan ng isang templo sa India nitong Huwebes, Marso 30.
BASAHIN: Temple roof sa India, bumagsak; walong deboto, patay!
Sa ulat ng Agence France Presse, ibinahagi ng pulisya na isa pa rin ang nawawala at tinitingnan pa kung nahulog din ito sa balon sa Hindu temple sa central city ng Indore, India.
"Thirty-five people are dead. One person is still missing. Rescue operations are on," saad ni Indore district magistrate Ilayaraja T. sa panayam ng AFP.
Ipinahayag naman ni Prime Minister Narendra Modi nitong Huwebes na nasaktan siya sa balita ng aksidente at nagsasagawa na ang pamahalaan ng rescue at relied operations para rito.
"The state government is spearheading rescue and relief work at a quick pace," ani Modi. "My prayers with all those affected and their families."
Ayon sa opisina ng Modi, bibigyan ng kompensasyon na 200,000 rupees ($2,400) ang pinakamalapit na kaanak ng mga nabiktima.
Ibinahagi naman ni Narottam Mishra, home minister ng Madhya Pradesh state na inilunsad na rin ang imbestigasyon para malaman ang pinagmulan ng nasabing aksidente.