Naglabas ng saloobin ang Pinay Broadway legend at Tony-award winning actress-singer na si Lea Salonga ukol sa aniya’y ibinubulgar ng ilang comment section online.

Tila may pinaghuhugutan ng emosyon si Lea nang magbahagi sa isang Facebook post ng birada kaugnay ng interaksyon ng netizens online.

“The comments section of certain posts can be very telling. They can (and do) reveal the commenters’ character, or lack thereof. The disrespect, entitlement, rudeness, ignorance, and idiocy contained therein makes one wonder about their real-life circumstances to make them turn out that way,” sey ng Pinay veteran singer Miyerkules, Marso 31.

Hindi naman nagbanggit ng partikular na post o balitaktakan si Lea bagaman siguradong ipinunto ang sumunod na pahayag.

Relasyon at Hiwalayan

Pagpapakasal dahil lang sa anak, 'di bet ni Janella Salvador

Payo at pagtatanto ng Broadway star: “Marami talagang bastos sa social media. Salamat na lang at hindi lahat ng tao ganoon. Protektahan ang inyong puso, isip at sikmura.”

Ilang friends ng singer ang sumang-ayon sa saloobin ng singer.

“Agreed! Don’t let them dim your light! Or the light you bring to everyone! Thank you for the inspiration that you spread,” mababasa sa commentsection ni Lea.

“Some of us still need to learn the social media etiquette,” dagdag ng isa pa.

“Hurt people hurt people,” teyorya ng isang komento sa tanong din ng singer.

Umabot sa mahigit 3,000 reactions at 300 shares ang makahulugang post ni Lea sa pag-uulat.