Nagkaloob ng free Wi-Fi site ang Department of Information and Communications Technology (DICT) Central Luzon sa Paombong Bulacan.

Ang libreng Wi-Fi site ay ininstall sa Sto. Niño Elementary School sa nasabing lugar. 

Ayon sa DICT, ang inisyatiba ito ng gobyerno ay maaaring magamit ng mga estudyante na makatutulong sa kanilang pag-aaral.

“Public schools and state universities and colleges (SUCs) are places that are of high priority for the rollout of free Wi-Fi sites,” anang DICT nitong Biyernes, Marso 31.

“[We] will continue to provide free internet connectivity for the benefit of every Filipino,” dagdag pa nito.

National

Norwegian AI data center proponent, sinita ni Abalos: Di dapat bastusin mga Pinoy sa sariling bansa!

Sinabi ni DICT Undersecretary at Spokesperson Anna Mae Lamentillo noong Disyembre 2022 na ang nagtatrabaho ang ahensya para magtatag ng mga libreng Wi-Fi sites sa bansa, lalo na sa mga liblib na lugar.

Ibinunyag din ni Lamentillo na nilalayon nilang magkaloob ng hindi bababa sa 15,834 na Wi-Fi sites sa buong kapuluan sa 2023, na inaasahan na humigit-kumulang 100,000 libreng Wi-Fi hotspot ang magiging operational sa bansa sa pagsapit ng 2025. 

Charie Mae Abarca