Matapos sang-ayunan na siya ng kapwa showbiz commentator na si Cristy Fermin kaugnay ng pahayag na “legendary” ang anak na si Jake Zyrus na noo’y si Charice Pempengco, bumuwelta na ang ina laban sa naunang nagsupalpal sa kaniyang si Ogie Diaz.

“You got my point Ms. Cristy Fermin. Gusto ko sana ikaw mag Interview sa akin para naman matauhan si Ogie Diaz, basta na lang sasakay sa komento ng mga basher,” sey ni Raquel Pempengco sa kaniyang Facebook post kalakip ang video ng pagsang-ayon ni Cristy sa kaniyang pahayag ngayong Biyernes, Marso 31.

Hinamon na rin ng ina ang talent manager na maglalabas siya ng resibo aniya sa mga tagumpay ng ngayo’y si Jake.

“Wait ka lang at bibigyan kita ng mga achievements ni Jake na hindi mo nalalaman. Baka mawindang ka at maniwala na talagang LEGENDARY AND NOBODY CAN DEFEAT CHARICE OR JAKE,” talak ni Raquel.

Relasyon at Hiwalayan

Kylie, natutuhang pagkatiwalaan ang sarili dahil sa bagong jowa

Nauna nang walang kiyemeng pinagsabihan ni Ogie ang umano’y “pag-uugali” ng ina matapos ikumpara ang anak kay Morissette Amon na anang talent manager ay pagdawit sa pangalan ng singer sa isang isyu.

“Walang problema kung ipagtatanggol mo ang anak mo kasi anak mo ‘yan. Walang problema kung idedepensa mo siya at kung feeling mo si Charice lang o si Jake Zyrus lang ang makakapagbigay ng justice sa song [ni David Foster]. Ang problema. may sinasagasaan kang tao. 'Yun ang hindi maganda. Kaya sana baguhin mo ang ganyang pag-uugali ha, Mommy Raquel,” sey ng talent manager.

Wala pang tugon si Ogie sa panibagong talak ng ina.