NUEVA ECIJA -- Naaresto ang Provincial Most Wanted Person na may 264 counts of Qualified Theft sa isinagawang Manhunt Charlie Operations ng Nueva Ecija Provincial Police Office, ayon sa isang ulat nitong Biyernes.

Ayon kay NEPPO Provincial Director Col. Richard Caballero na isinagawa ang naturang operasyon sa Barangay Dicarma, Cabanatuan City.

Kinilala ang naaresto na si alyas 'Joana,' 26, residente ng nasabing barangay at nakalista bilang Top 6 Provincial Most Wanted Person sa Nueva Ecija.

Naaresto si Joana sa bisa ng Warrant of Arrest for 264 counts of Qualified Theft na may inirerekomendang piyansa na nagkakahalagang P6,822,000.00.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Samantala, nahuli rin ang dalawa pang wanted person sa pareho operasyon na isinagawa ng Jaen at Gapan City Police sa bisa ng Warrant of Arrest Unjust Vexation and Acts of Lasciviousness, ayon sa pagkakasunod-sunod.

Ang mga akusado ay nasa kustodiya na ng mga police.