Iniligtas ng mga rescue team ang isang babae mula sa isang residential building sa Binondo, Maynila nitong Biyernes, Marso 31, sinabi ng Manila Police District (MPD).

Anang pulisya, nasagip ang 22-anyos na babae, residente ng Ligaya Building sa Alvarado St. sa Binondo, dakong 9:31 ng umaga.

Sa ulat ng MPD, nakatanggap ng tawag ang pulisya mula sa isang concerned citizen bandang alas-8 ng umaga, na nagpaalam sa kanila na may nakaupo sa gilid ng rain gutter ng ikaanim na palapag ng Ligaya Building.

Agad namang rumesponde sa insidente ang mga team mula sa MPD, Bureau of Fire District (BFP) - Special Rescue Force, at Manila Disaster and Risk Management Office (DRRMO).

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Nanlaban ang babae habang sinasagip at kinagat ang binti ng BFP officer nang tangkaing lapitan ito.

Matapos ang isang oras na negosasyon, nagawang lapitan at ipasok ng mga rescuer ang babae sa loob ng gusali.

Sinabi ng babae sa mga rumesponde na labis siyang nalungkot nang makipaghiwalay sa kanya ang kanyang kasintahan kamakailan.

Dinala ang babae sa BFP Emergency Medical Services unit bago ito i-turn over sa Jose R. Reyes Memorial Medical Center sa Sta. Cruz, Maynila, para sa medikal na pagsusuri.

Diann Ivy Calucin