BUTUAN CITY – Patay ang tatlong lider ng New People’s Army sa magkahiwalay na engkwentro sa tropa ng gobyerno sa Agusan del Sur nitong linggo.

Sinabi ni Col. Francisco Lorenzo, commanding officer ng 401st Infantry Brigade na nakabase sa Prosperidad, Agusan del Sur, na napaslang si “Salem,” secretary ng Sub-Regional Committee (SRC) Westland at Weakened Guerilla Front (GF) 21 na parehong nasa ilalim ng Northeastern Mindanao Regional Committee (NEMRC) sa 25 minutong bakbakan sa Sitio Hugmakan, Barangay San Juan, Bayugan City, Agusan del Sur noong Huwebes, Marso 30.

Narekober ng mga sundalo ang isang AK-47 rifle at ilang magazine sa encounter site, sabi ni 4th Infantry Division Public Affairs Office (PAO) chief Major Francisco P. Garello Jr.

Noong Lunes, Marso 27, dalawang lider din ng NPA – alyas “Dano” at “Zig,” ang regional finance at regional medical staff ng NEMRC – ang napatay sa Sitio Vertudazo, Barangay San Juan, Bayugan City.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Natagpuan ng mga tropa sa lugar ang isang M4 carbine rifle, isang modified carbine rifle, mga bala, magazine, at iba pang war paraphernalia.

Sinabi ni Lorenzo na ang pagkamatay ng tatlong pinuno ng NPA ay humadlang sa masamang plano para sa kanilang ika-54 na anibersaryo noong Miyerkules.

Mike Crismundo