Dinala si Pope Francis sa isang ospital sa Rome nitong Miyerkules, Marso 29, dahil sa respiratory infection, ayon sa Vatican.

Sa ulat ng Agence France Presse, ipinahayag ni Vatican spokesman Matteo Bruni na may mga pagkakataong nahihirapang huminga ang 86-anyos na pope.

"In recent days Pope Francis has complained of some breathing difficulties," aniya.

Nang i-admit umano si Pope sa Gemelli hospital sa Rome para sa medical checkup, doon na umano nila nalaman ang respiratory infection na nangangailangan ng ilang araw ng hospital medical treatment.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Wala naman daw kinalaman dito ang Covid-19.

Dahil sa kasalukuyang kalagayan ni Pope Francis, kinumpirma umano ng isang source sa Vatican na kanselado ang engagements niya nitong Huwebes, Marso 30. 

Ibinahagi rin naman ni Bruni na nagpapasalamat si Pope Francis sa mga natatanggap niyang mensahe ng pagdarasal sa pagpapabuti ng kaniyang kalagayan.

Matatandaang naospital din nang 10 araw si Pope Francis noong Hulyo 2021 dahil sumailalim umano siya sa colon surgery.

Nakaranas din ang pope ng pananakit ng tuhod, na siyang dahilan kaya napilitan siyang gumamit ng wheelchair.