Nanawagan si Papal Nuncio to the Philippines Archbishop Charles John Brown na ipagdasal ang mabilis na paggaling ni Pope Francis na naospital nitong Miyerkules, Marso 29, dahil sa respiratory infection.

Sa kaniyang video message, ibinahagi ni Brown na natanggap niya ang balitang naospital nga si Pope at hinikayat ang mga mananampalataya na magdasal para sa mabilis na recovery nito.

“I’ve just received word that he has just been taken to the hospital. God willing there’s nothing too serious but we need to pray for Pope Francis,” saad ni Brown.

“This is the tenth time that the pope will celebrate Easter in Rome as our Holy Father. I ask you, please, during this special time, to pray for Pope Francis, to pray for his good health and his speedy recovery,” dagdag niya.

Internasyonal

Bangkay ng Pinay OFW, natagpuang nabubulok na sa bakuran ng Kuwaiti national

Ayon sa Vatican, mananatili si Pope Francis ng ilang araw sa ospital para sa kaniyang pagpapagaling.

Dahil dito, nakansela ang engagements ng pope nitong Huwebes, Marso 30, at maaaring masundan pa ng ilang araw.

BASAHIN: Pope Francis, dinala sa ospital dahil sa respiratory infection