Marami ang natuwa lalo na ang mga "batang 90s" nang makita ang mga litrato ng reunion ng original Star Magic A-listers kasama ang kanilang tatay-tatayan at dating head ng talent management arm ng ABS-CBN na si Mr. Johnny Manahan o mas kilala sa bansag na "Mr. M."

Batay sa Instagram post ni Kapuso star Heart Evangelista, mula silang nagkita-kita nina Bea Alonzo, John Lloyd Cruz, Maja Salvador, Piolo Pascual, Diether Ocampo, at ang ex niyang si Jericho Rosales.

Kasama rin nila ang dating Star Magic co-head na si Mariole Alberto na nang umober da bakod si Mr. M ay sumama sa kaniya.

Spotted din ang bagets na aktor na si Kyle Echarri.

Sa isang litrato naman, napa-wow ang mga netizen nang magkatabi-tabi sa isang litrato sina Diet, Lloydie, Papa Pi at Echo. Wala raw kakupas-kupas sina Diet at Echo na biro pa nga ng mga netizen ay "titikman" at "choke me daddy" dahil habang nagkakaedad ay mas lalong "sumasarap" daw.

Mag-ex na Heart at Echo, muling nagkita; Mr. M, nakipag-reunion sa mga alaga

Pero tila may napansin naman ang mga netizen kay John Lloyd na tila hindi na raw ganoon ka-charming ang looks nito, lalo na't ang nakatabi pa sa litrato ay sina Diet at Piolo.

Isa pa raw sa naka-off sa hitsu ng aktor sa litrato ay ang suot nitong sumbrerong kulay-pink na nakatakip sa kabuuan ng mukha nito.

"Anyare kay JLC? Mukhang losyang na. Nyemas na Kamuning filter yan," barda ng isang Twitter account na "AltGMA."

https://twitter.com/KafosoMo/status/1640967079732867074

Gayundin ang naging topic sa iba pang alt accounts.

https://twitter.com/AltStarMagic/status/1640945695581683712

Narito pa ang ilan sa mga tweets patungkol kay JLC:

"Agree mare! Parang s'ya yung pinakamatanda sa kanila diyan…"

"Oo nga no, anyare kay Lloydie?"

"Dyan mo makikita sino madisiplina sa katawan look at diet, papa p and echo.. mukhang mga nasa 30s lang si lloydie mukhang pasingkwenta na ang lolo mo nakakaloka."

Wala pang tugon, reaksiyon, o pahayag ang kampo ni JLC tungkol dito.