Inanunsiyo ni Manila Mayor Honey Lacuna na motorcade ang kanilang  isasagawa sa Biyernes Santo, sa halip na regular na prusisyon.

Ito ay base na rin aniya sa napagkasunduan ng city government, Quiapo Church authorities at Hijos of the Black Nazarene.

Ayon pa kay Lacuna, ang kalalabasan ng naturang aktibidad ang siyang magiging sukatan kung   papayagan na nila ang pagdaraos ng 'Traslacion' ng Itim na Nazareno sa 2024.

Nabatid na ang kasunduan ay naganap matapos ang pulong na ginawa mismo sa tanggapan ng alkalde na nagtatakda ng motorcade sa ganap na alas-12:01 ng madaling araw ng Biyernes Santo, Abril 7. 

Metro

Hinahanap daw ang anak: Lolo na may Alzheimer’s nahulog sa creek, nalunod!

Ito ay magsisimula at magtatapos sa Quiapo Church.

Ayon sa alkalde, ang ruta na kapareho din ng taunang Traslacion, ang susundin.

Aniya pa, ang gagawing motorcade ay mahalaga upang malaman kung ang Traslacion para sa Pista ng Itim na Nazareno ay maipagdiriwang nang muli sa Enero 9, 2024.

Base sa impormasyon mula sa Office of the Mayor, sinabi ni Lacuna na ang dami ng bilang ng mga deboto na dumadagsa tuwing prusisyon ng Biyernes Santo ay kalahati ng bilang ng mga dumadalo sa  taunang 'Traslacion' o prusisyon ng Itim na Nazareno. 

"This motorcade will be a prelude to 'Traslacion 2024.' If successful and good, we would highly consider having Traslacion again in 2024. If it's already sloppy, how about Traslacion? That's why we are calling especially the Hijos to police their ranks," anang alkalde.

Sinabi pa niya na ang city government ay magkakaloob ng lahat ng kakailanganin para sa mapayapa at maayos na motorcade.   

Tiniyak rin ni Lacuna na buong suporta din ang ibibigay ng lokal na pamahalaan sa aktibidad, sa pamamagitan ng Manila Parking and Traffic Bureau, city engineering office, Manila Disaster Risk Reduction Management Office, Manila Police District, department of public services, at iba pa.         

"'Don't worry, to our devotees of the Dear Lord Nazarene, because this is in preparation for the bigger celebration of the Feast of the Nazarene on January 9, 2024. So we all agreed that this coming Good Friday will be the basis of how the celebration can be done properly in 2024,” sabi ng alkalde.

"We are all excited to do the motorcade properly so that in January we will have a bigger celebration," pahayag pa ng alkalde.

Sa bahagi naman ni  Rev. Fr. Rufino Sescon, Jr. of the Minor Basilica in Quiapo at ng Hijos del Nazareno ay nanawagan sila sa lahat ng mga deboto na ipakita sa lahat na sila ay na disiplinado at kayang maging maayos habang ipinadarama ang kanilang malalim na pananampalataya.