Inanunsyo ng Vatican nitong Huwebes, Marso 30, na bumubuti na ang lagay ni Pope Francis matapos magpalipas ng gabi sa isang ospital sa Rome dahil sa respiratory infection nito.
Sa ulat ng Agence France Presse, ibinahagi ni Vatican spokesman Matteo Bruni na maayos nang nakakain ng agahan ang 86-anyos na pope ngayon araw.
Matapos mag-almusal, nakapagbasa na rin umano ang pope ng diyaryo at nakagawa na ng ibang gawain.
Bago mananghalian, nagpunta raw si Pope Francis sa isang chapel ng private hospital apartment at doon nagdasal at tumanggap ng Eukaristiya.
“His clinical picture is gradually improving and he is continuing his planned treatment,” ani Bruni.
Matatandaang dinala sa ospital si Pope Francis nitong Miyerkules, Marso 29, dahil sa nasabing respiratory infection na wala naman umanong kinalaman sa COVID-19.
BASAHIN: Pope Francis, dinala sa ospital dahil sa respiratory infection