Matapos mag-trending ngayon ang bagong pakulong grilled balut, may ilang netizens na nababahala dahil umano'y nakalalason ang ganitong paraan sa pagluto ng isang itlog.

Ayon lang ilang netizen, delikado kung masusunog ang shell ng kahit anong itlog— na isa sa halimbawa ay makikita sa pagluto ng grilled balut at hard-boiled egg na matagal na napakuluan.

Pagpapaliwanag ng umiikot na post online, ang pag-grill ng itlog ay naglalabas ng hydrogen sulfide (H2S), isang nakakalasong kemikal.

"The hydrogen sulphide originates in the whites of the eggs and the protein in the white contains sulphur that combines with the hydrogen to form a deadly gas. This hydrogen sulphide heads towards the inside of the eggs. As the outer shell of the egg gets hotter, the gas is forced towards the yolk," bahagi ng post na nagpapaliwanag na delikado umano ang pagkain ng grilled balut.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

"Overcooked eggs are toxic and can suffocate and poison people," babala pa nito.

Larawan: Judy Ann/FB

Samantala, naglabas naman ng pahayag ang food technology organization mula sa Unibersidad ng Pilipinas.

Ayon sa Philippine Association of Food Technologists - Alpha Chapter (PAFT-Alpha), tuwing niluluto ang mga itlog ay totoong naglalabas ito ng hydrogen sulfide ngunit "hindi ito sapat upang magdulot ng panganib sa kalusugan."

Sinegundahan naman ng PAFT-Alpha ang nasabing post na totoong nakalalason ang hydrogen sulfide lalo na kung mataas ang lebel nito.

Giit pa ng food technologist organization, ang nabubuong hydrogen sulfide sa tuwing nagluluto ng itlog ay kalimitang kakaunti lamang at hindi makapagdudulot ng negatibong epekto sa kalusugan.

Naniniwala naman ang PAFT-Alpha na kumakalat na posts ay upang magbigay babala lamang at magbahagi ng kaalaman, ngunit dapat na tama ang impormasyon.

"Bagaman hangad lamang ng naturang post na magbahagi ng kaalaman patungkol sa panganib na kaugnay rito, naiba ang interpretasyon o nawala sa wastong konteksto ang ipinahayag na siyentipikong eksplanasyon," pahayag ng PAFT-Alpha.