Hello, baby cheetahs!

Pitong dekada matapos ideklarang “extinct” na ang mga cheetah sa bansang India, masayang inanunsyo ni Indian Prime Minister Narendra Modi nitong Miyerkules, Marso 29, na nanganak na ang isa sa mga cheetah na ni-relocate nila mula sa bansang Namibia.

"Wonderful news," tweet ng prime minister matapos niyang i-share ang Twitter Post ni Indian Environment Minister Bhupender Yadav tampok ang isang larawan at video ng apat na baby cheetah.

Nitong nakaraang taon ay walong Namibian cheetah umano ang dumating sa India bilang bahagi ng isang kanilang proyektong ipakilala rito ang malalaking batik-batik na pusa na siyang pinakamabilis na land animal sa buong mundo.

Internasyonal

Mahigit 40 unggoy, nakatakas sa isang research compound sa South Carolina

Malapit na rin daw manganak ang isa sa mga ito, ngunit sa kasamaang palad ay nasawi naman ang isa sa kanila dahil sa kidney failure.

Noong nakaraang buwan, 12 pang cheetah ang dinala sa India mula sa South Africa.

Idineklara umano ang extinction o pagkaubos ng cheetah sa bansang India noong 1952 dahil sa kawalan ng kanilang tirahan at pangangaso ng kanilang “distinctive spotted coats”.

Itinuring umano ang cheetah bilang "vulnerable" sa International Union for the Conservation of Nature Red List of Threatened Species.