Tila "napapaso" sa mainit na tsaa ang mga marites ngayon dahil sa sunod-sunod na makahulugang Instagram stories ng misis ng aktor na si John Estrada, na si Priscilla Meirelles.

Isa-isang na-screenshot ng mga netizen ang tila parinig ni Priscilla tungkol sa "cheaters" at "married men/women."

"Married men/women who chase single boys/girls are seriously so pathetic!" unang Instagram story.

Sumunod naman, "What to call a female that entertains married man?"

National

Marce, lalo pang lumakas; Signal #1, itinaas sa 14 lugar sa Luzon

At panghuli, "Guys, close your eyes. Imagine you have a daughter. Imagine she is dating a guy like you. Did you smile? No. Then change."

Screengrab mula sa IG ni Priscilla Meirelles via The Scoop

Screengrab mula sa IG ni Priscilla Meirelles via The Scoop

Screengrab mula sa IG ni Priscilla Meirelles via The Scoop

Bagama't hindi tumukoy ng mga pangalan, naniniwala ang mga netizen na mukhang may pinagdaraanan ngayon ang misis ni John.

Abangers na lang sa mga susunod na kabanata!