Nag-aalok na ang National Food Authority (NFA) ng₱2 na dagdag sa kada kilo ng palay na ibebenta ng mga magsasaka sa ahensya sa Tanauan, Leyte.

Sa pahayag ni Mayor Gina Merilo, naglaan na ang ₱2 milyon ang Tanauan government para sa implementasyon ng Palay Marketing Assistance Program for Legislators and Local Government Units (PALLGU).

Aniya, nakipagkasundo na rin sa NFA ang local government sa lugar para sa pagpapatupad ng programa.Layunin ng Tanauan government at NFA na sumagana ang ani ng mga magsasaka sa lugar.

“The program seeks to provide opportunities for our rice farmers to maximize their income. This is an opportunity for us to serve our local farmers,” ayon kay Merilo.

Probinsya

Lalaki, nanaksak matapos maingayan sa motorsiklo noong Bagong Taon

Nasa₱19 na kada kilo ang kasalukuyang palay buying price sa lugar at magiging ₱21 na ito dahil sa dagdag na ₱2.

Philippine News Agency