Hindi muna maniningil ang NLEX Corporation sa mga motoristang dadaan sa limangkilometrong NLEX connector na mulaCaloocan hanggang España sa Maynila.
Paliwanag ng kumpanya, magpapatupad muna sila ngtoll-free upang maranasan ng mga motorista angginhawang hatid nito.
“We are offering free access for a limited period, so motorists can experience for themselves the convenience of using the NLEX Connector,” ayon sa pahayag ng kumpanya.
Ang pagbubukas ng naturang kalsada ay itinaon sa inaasahang dagsa ng mga sasakyang bibiyahe ngayong Mahal na Araw.
Paalala ng NLEX, magpapatupad sila ng speed limit na 60 kilometers per hour (kph) para sa mga truck. Aabot naman sa 80kph ang ipatutupad para sa mga kotse, sports utility vehicles (SUVs), mga bus at motorsiklo na may displacement na 400cc pataas.