Kinaaliwan ng mga netizen ang mga litrato ng gurong si Sir Clint Allen Margallo Reyes, isang licensed professional teacher at registered chemist na nagtuturo sa Koronadal National Comprehensive High School, Senior High School sa Koronadal City, South Cotabato matapos niyang i-flex ang kaniyang "raket."

Habang nagtuturo kasi ng General Chemistry si Sir Clint ay kapansin-pansing may hawak siyang fur babies na dala-dala umano ng kaniyang mga mag-aaral.

"Part-time teacher, full-time babysitter," saad ng guro sa kaniyang Facebook post.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

Ayon sa eksklusibong panayam ng Balita kay Sir Clint, ang dalawang tuta ay pagmamay-ari ng kaniyang mga estudyante.

"Yung 2 tuta po ay pagmamay-ari ng students ko. That was the exact day na tinurn over sa kanila yung puppies for adoption. While I was having my General Chemistry class sa isa kong klase, may narinig akong tuta na umiyak so it caught my attention," aniya.

"The white puppy was the first one I saw so I asked my student if pwede ko bang buhatin yung tuta and she said yes. The puppy was so cute kaya di ako nakapagpigil and then I asked one of my students kung pwede siya yung kumontrol ng powerpoint habang ako ay nagtuturo while I am babysitting the dog."

"Then the other dog came in and yun na ulit yung binabysit ko. That was a wholesome moment. Then I knew that my students were taking pictures of me so I asked for my pictures and posted it."

Batay sa mga FB post ng guro ay sadyang mahilig din siya sa pet dogs kaya walang kaso sa kaniya ang pag-aalaga muna sa mga umiiyak na tuta.

Kahit na medyo naging babysitter siya, hindi naman daw nasakripisyo ang kalidad ng kaniyang pagtuturo nang araw na iyon.

---

Nais mo bang mai-feature ang iyong storya o ‘di kaya mayroon kang larawan at video na gusto mong i-share? I-message mo lang kami sa amingFacebookatTwitter!