Walang plano ang Department of Education (DepEd) na ibalik ang summer break sa mga paaralan sa Abril at Mayo kahit pa napakainit ng panahon.
Sa isang Viber message nitong Miyerkules, sinabi ni DepEd Spokesman Michael Poa na,“At the moment, there are no plans to revert.”
Nauna rito, natanong ng mga mamamahayag si Poa kung may plano ba ang ahensiya na ibalik ang school break sa Abril at Mayo.
Kasunod na rin ito ng pahayag ni Senate basic education committee chairman Sherwin Gatchalian na panahon na upang ibalik ang April-May summer break bunsod ng pagka-ospital ng mga estudyante sa isang fire drill sa paaralan sa Laguna.
Ipinaliwanag naman ni Poa na ang pinuno ng mga paaralan ay may diskresyon para suspindihin ang in-person classes at gumamit ng alternative delivery modes o blended learning kung ang kapaligiran doon ay ‘not conducive to learning.’
Matatandaang may 100 estudyante ang naospital matapos na ma-dehydrate sa isang fire drill sa Laguna kamakailan.