Pinaiigting na ng Bureau of Internal Revenue (BIR) ang kampanya nito laban sa mga tax evader na gumagamit ng mga pekeng resibo o ghost receipts.

Ayon sa BIR, naglunsad na sila ng Run After Fake Transactions (RAFT) program na hahabol sa mga buyer, seller, at iba pang sangkot sa pamemeke ng mga resibo na hindi nagbabayad ng buwis.

Sa Facebook post ng ahensya, top priority program na ng kanilang enforcement team ang paghabol sa mga bumibili at nagbebenta ng ghost receipts, gayundin ang mga CPA (certified public accountant) na sangkot sa pamemeke.

Sa ilalim ng batas, nasa 6-0 taong pagkakakulong ang naghihintay sa mga mahuhuling sangkot sa naturang tax evasion scheme, bukod pa sa posibilidad na mawalan ng lisensya ang mga dawit na CPA.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

Matatandaang nagsampa ng kaso ang BIR laban sa apat na malalaking ‘ghost' corporation na nagbebenta ng pekeng resibo.