Habang malinaw na mabuti ang naging intensyon ni Vice Ganda sa pinag-usapang pagtulo ng luha ni “Kulot” sa segment na “Isip Bata” noong Lunes, nakuha ng viral na tagpo ang atensyon ng ilang eksperto, kabilang na ang dalawang psychologist.

Matatandaang sa intensyong madamayan ang batang si “Kulot” sa malinaw na pinagdadaanan nito sa tila lantad na sa kaniya na pagtataksil ng kaniyang ama sa kaniyang ina, ilang beses na hiniling ni Vice na sambitin ng bata na mahal nito ang ama, bagay na ilang beses ding tinanggihan ni "Kulot."

Basahin: Eksena sa “Isip Bata” kumurot sa puso ng netizens – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

“Minsan sasabihin mo, masarap ‘yun sa damdamin kapag nasasabi mo sa Itay na mahal mo siya. Gusto mo bang sabihin sa Itay ‘yon?” payo-tanong ni Vice noon kay "Kulot" na hinindian pa rin ng bata sa huli dahilan din ng lalo pang pagbuhos ng kaniyang luha on-air.

National

DOH, nakapagtala ng 17 firework-related injuries sa loob lamang ng 24 oras

Pagsita na ng ilang eksperto, hindi anila healthy na “pinipilit” ang bata na magsabi ng mga salita na labag sa kanilang loob, kabilang na ang pagsasabi ng simpleng “I love you” lalo pa sa isang malawak na brodkast sa telebisyon.

Isang bukas na liham ng “concerned psychologist” na si Jeemon Rey Amaca Bacaoco ang agad na nag-viral matapos manawagan sa Kapamilya noontime show at sa mismong ABS-CBN.

“I have been seeing video clips of a child crying on national TV because you were openly discussing family conflict in your show. While the intention was good, I think doing this has serious repercussions on the child's mental health and well-being,” anang eksperto.

Dagdag niyang sinita ang paghikayat ni Vice Ganda na sambiting mahal ng bata ang ama sa live audience.

“You should also not force a child to say I love you to a family member especially if she has expressed that she's not comfortable doing it. Please consult a child psychologist so you are aware of the consequences of your actions when you are working with children,” pagtatapos niya.

Sa hiwalay na Facebook post, parehong saloobin din ang mababasa mula sa content creator at kapwa psychologist na si Riyan Portuguez sa kaniyang personal blog na "Your Millennial Psychologist."

“Hindi requirement na hikayatin siyang magsabi o mag-express ng love sa tatay niyang pakiramdam niya nagcause ng pain niya. Nauunawaan kong intensyon lang ni Vice ay mabuti sa bata. Although, tandaan natin na ayos lang din naman sa ‘on-air i-demonstrate ang makatotohanan na pagkilala ng totoong nararamdaman. Hindi kailangan na 'good vibes' o mag-end up na resolved ang nararamdaman ng isang tao para sa show,” aniya.

Pagpapatuloy niya, “All feelings are valid. All emotions require processing. Mahirap magsabi ng ‘mahal kita’ kung hindi naman din na-demonstrate sa kanya ang trust. Pakiramdam ko mula sa sinasabi ng bata. May na-break na trust doon. Sa akin, ayos lang na hindi ka magsabi ng ‘I love you’ o kaya magpatawad kung di ka handa. Hindi naman kasi 'yan instant.”

Sa huli, ipinunto ng eksperto ang potensyal na maaaring madamay at masaktan sa pagtataksilsa isang relasyon, kabilang na ang mga bata.

“Maging mabuti sana tayong ehemplo sa mga kabataan,” pagtatapos niya.

Isa pang blog sa Facebook ang hindi nagkiyemeng kondenahin ang show tampok ang mga bata at tinawag pa ang naturang segment ng programa na “distasteful.”

“The child is uncomfortable talking about her family situation, and it's quite distasteful for an entertainer and celebrity and the producers of the show to compel a child to open up on live television just because it touches the Filipino audience -- ratings and viewership shouldn't come at the cost of a child's security and comfortability,” mababasa sa Facebook blog na "Dawalang Sentimo sa Kalye."

“This kind of discussion should be within the closed door and with a professional. The child possesses an emotional burden that she is still not capable of processing and reflecting in its entirety because her brain is still developing,” pagpapatuloy nito.

Kagaya rin ng naunang saloobin ng mga eksperto, sang-ayon din ang naturang blog na naging “insensitive” umano si Vice Ganda nang pilit itong hikayatin ang bata na sabihing mahal niya ang kaniyang ama.

“Vice should have just let it go instead of attempting an emotional scene where the child will say she loves her father,” anang blog.

“Don't get me wrong, there are times that Vice gave good advice in dealing with life and its troubles, but Vice isn't perfect and in those times Vice should be criticized.”

Sa huli, iginiit nitong hindi “props” para sa drama ang mga bata.

Kasunod ng pinag-usapang tagpo ay kaliwa't kanang saloobin ng netizens ang lumitaw online.

Samantala, wala pang pahayag ang pamunuan ng It’s Showtime o ang host na si Vice Ganda sa kalauna’y mga reaksyon kaugnay ng viral na segment.