Sta. Rosa, Laguna -- Naaresto ng mga awtoridad mula sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang dalawang indibidwal na sangkot umano sa distribusyon ng cocaine sa isang club sa Brgy. Balibago dito noong Lunes, Marso 27.
Nadakip sila matapos magbenta ng 500 gramo ng cocaine na nagkakahalagang ₱2,650,000.00 at nagresulta sa buy-bust operation.
Ang mga suspek na sina Aaron Gidwani, 37; at Mark Paul Pagayon, 24, ay mga pinaghihinalaang distributor ng cocaine sa mga disco clubs sa Metro Manila at Angeles City.
Nasamsam din mula sa mga ito ang isang transparent plastic pack na naglalaman ng hindi bababa sa 500 gramo ng cocaine; kulay itim na Suzuki Smash Motorcycle; at marked money na ginamit ng poseur buyer.
Ang nasabing operasyon ay isinagawa ng PDEA Region III-Pampanga Provincial Office, PDEA Calabarzon, at lokal na pulis.
Mahaharap sa kasong paglabag sa section 5 (sale of dangerous drugs) in relation to section 26-B (conspiracy to sell) ang mga suspek