DATU HOFFER, Maguindanao del Sur (PNA) – Patay ang isang walong buwang gulang na sanggol na babae habang apat pa ang nasugatan sa pananambang sa lalawigan na ito ng hindi pa nakikilalang mga armadong lalaki. Lunes ng gabi, Marso 27, sinabi ng pulisya.
Sinabi ni Capt. Ramillo Serame, hepe ng municipal police ng Datu Hoffer, na karga-karga ng ina ang sanggol nang tambangan kasama ang iba pang miyembro ng pamilya.
Sugatan ang ama ng sanggol na si Sadam Mamadra Mamasainged, asawa nitong si Faira, at dalawa pang bata, na pawang mga residente ng bayang ito.
Sinabi ni Serame na sakay ang mga biktima sa tricycle na minamaneho ni Sadam at pauwi mula sa kalapit na mosque nang mangyari ang insidente.
"Pagdating nila sa Sitio Bagurot, Barangay Tuayan Mother, pinaputukan sila ng hindi kilalang mga armadong sakay ng isang motor bandang alas-7 ng gabi," aniya.
Dinala ng mga rumespondeng pulis ang lahat ng biktima sa Maguindanao Provincial Hospital.
Sinabi ni Serame na isang manhunt ang inilunsad laban sa mga salarin.
Sinabi ng mga imbestigador ng pulisya na ang motibo ng pag-atake ay maaaring "rido" o away ng pamilya.
Philippine News Agency