Pinag-iingat ng Department of Health (DOH) ang publiko sa pag-inom ng mga patok at matatamis na inumin ngayong tag-init.

Sa pulong balitaan, sinabi ni DOH Officer in Charge (OIC) Maria Rosario Vergeire na dahil sa labis na init ng panahon, inaasahan nang tatangkilikin ng ating mga kababayan ang mga matatamis na inuming nabibili sa kanto, kalye at iba pa.

Kabilang na aniya rito ang mga samalamig, juice, sago’t gulaman at iba pa na may sangkap na asukal at hindi purong tubig na nakukuha ng katawan.

Payo ng DOH, pinaka-mainam pa ring magbaon ng inumin, gaya ng tubig, dahil ito ang pangunahing kailangan ng ating katawan sa gitna ng mainit na panahon.

National

VP Sara sinabing si Romualdez ang gustong pumatay sa kaniya

Samantala, pinaalalahanan rin ni Vergeire ang mga nagbebenta ng mga naturang inumin na tiyaking malinis ang ginagamit o pinagkukunan ng tubig sa pagtitimpla ng kanilang mga produkto.

Ang mga yelo ay dapat rin aniyang hinuhugasang mabuti.

Umapela rin si Vergeire sa mga lokal na pamahalaan na sana ay mabantayan ng sanitation officers ang mga nagbebenta ng mga samalamig at kaparehong inumin.

Ito ay para matiyak na malinis ang iniinom ng mga tao, at hindi magdudulot ng gastrointestinal diseases.