Hindi nga raw nakikita sa TV, paano nagka-award? ‘Yan ang isa sa mga punto ng netizens sa anila’y “nakakatawa” na pagkilala kay Juliana Parizcova bilang “Outstanding Comedian of the Year” ng Mana Awards 2023.

Kamakailan ay ipinagmalaki ng Viva Artists Agency sa kanilang social media account ang pagkilala sa Miss Q&A alumnus ng naturang pagkilala, bagay na tila mariing inalmahan naman ng netizens.

Tsika at Intriga

Mark Andrew Yulo, naniniwalang babalik sa kanila ang anak na si Carlos

Sa mahigit 12,000 reactions ng post para kay Juliana, nasa halos 8,000 ang makikitang naglagay ng laughing reactions.

Kapansin-pansin din ang diskumpyadong netizens sa mismong comment section ng Facebook announcement.

“Paano siya nanalo?” tanong ng isang netizen.

“Hindi nga nakikita sa TV,” segunda ng isa pa.

“Nakakatawa nga hahahh”

“Wala naman ginawa yan nag ka award?”

“Kwento mo ‘yan eh!”

“Anong category ng comedy ‘yan?”

“Sinong niloloko mo hahhahahahahahhahhahahahhaha”

“May show ba cia?”

“Malaking joke talaga to!!!! Anong show ni bulldog para magka award?”

Samantala, nauna nang ibinalandra ni Juliana ang award sa kaniya ring Facebook verified page kung saan inulan naman siya ng pagbati mula sa mga solid na tagasuporta.

Ayon sa kanilang page na mayroong 143 likes at 269 followers, ang Mana Awards ay isang “prestigious award giving body” ng Asian Business Excellent Award.