TACLOBAN CITY – Isang 22-anyos na estudyante mula sa Samar State University na nawawala mula pa noong Miyerkules, Marso 22, ang natagpuan sa Catbalogan City matapos ang limang araw na paghahanap.

Si Darlene Luzelle Uy, na isa ring teacher intern sa Catbalogan I Central Elementary School, ay natagpuan sa lugar kung saan siya huling nakita.

Dalawang alagad ng batas na sakay ng isang de-motor na bangka ang nakakita kay Darlene sa likod ng ilang puno ng nipa at niyog.

Ipinag-utos ni Lt. Col. Edwin Oloan, Chief of Police ng Catbalogan, ang masusing paghahanap sa lugar malapit sa ilog kung saan siya nakunan ng CCTV camera.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Mahina umano si Darlene ngunit may malay at umutugon nang matagpuan, at suot pa rin nito ang kanyang asul na uniporme sa internship.

Dinala siya sa Catbalogan Doctors Hospital para sa isang medical checkup.

Wala pang pahayag ang mga awtoridad tungkol sa pagkawala nito.

Basahin: Pamilya ng nawawalang graduating student sa Samar, nag-alok ng ₱250K reward – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nauna nang nag-alok ng P250 thousand reward ang kanyang pamilya sa sinumang makapagbibigay ng impormasyon tungkol sa kanyang lokasyon.

Marie Tonette Marticio