Ibinahagi ng Philippine Coast Guard (PCG) na umabot sa 10,163 litro ng oily water mixture ang nakolekta nila sa Oriental Mindoro matapos nilang isagawa ang oil spill response operation.

Sa Facebook post ng PCG nitong Martes, Marso 28, sinabi nitong bukod sa oily water mixture, nasa 123 sako ng oil-contaminated materials din umano ang kanilang nakolekta.

Dahil dito, tinatayang 3,644.5 sako at 22 drums na umano ang bilang ng basurang nakolekta ng PCG sa mga baybay-dagat ng 13 apektadong mga barangay sa Naujan, Bulalacao, at Pola, Oriental Mindoro, mula Marso 1 hanggang Marso 27.

Ang mga nasabing nakolektang oil water mixture at oil-contaminated materials ay dulot ng mga tumagas na langis mula sa lumubog na MT Princess Empress, na may kargang 800,000 litrong industrial fuel oil, sa karagatan ng Naujan noong Pebrero 28.

Probinsya

Bangkay ng isang lalaki natagpuang lumulutang sa ilog

Kamakailan lamang ay nagbigay ng suhestiyon ang University of the Philippines Marine Science Institute (UP MSI) na magandang oportunidad ang pagkalma ng mga baybay-dagat para isagawa ang oil spill clean up sa Oriental Mindoro.

BASAHIN: Kalmadong baybay-dagat, gawing oportunidad para sa oil spill cleanup – UP experts

Bukod sa Oriental Mindoro, nakarating na rin umano ang epekto ng nasabing oil spill sa ilang bahagi ng mga mga probinsya ng Antique, Palawan at Batangas.