Kinumpirma ni House Committee on Ethics and Privileges Chairman at COOP-NATCCO Party-list Rep. Felimon Espares nitong Lunes, Marso 27, na natanggap na ng Committee on Ethics ang formal request letter ni Pamplona Mayor Janice Degamo na i-expel si Negros Oriental 3rd district Rep. Arnolfo "Arnie" Teves Jr.

Minarkahang natanggap umano ng Committee on Ethics noong Marso 22 ang isang dokumento mula sa Office of the Secretary General na nagsasaad ng nasabing apela ni Mayor Degamo, ang asawa ng pinaslang na si Negros Oriental Gov. Roel Degamo.

BASAHIN: Mayor Degamo, nagpadala ng sulat sa Kamara bilang panawagang i-expel si Teves

Sa ulat ng Manila Bulletin, kinumpirma na rin umano ni Espares sa isang Viber message sa House reporters na natanggap na ng kaniyang komite ang nasabing kahilingan.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

"Per procedure, will review the document if [it] has form and substance/content, then will schedule a committee hearing kahit on recess kami," ani Espares.

"But the challenge right now [is] [i]f we can master a quorum since the members are on [their] district o[r] area [already]. Usually, the meeting is executive due to confidentiality," dagdag niya.

Kamakailan lamang ay hinatulan ng nasabing komite si Teves ng 60-day suspension dahil umano sa "disorderly behavior" niya matapos itong tumangging bumalik ng Pilipinas mula sa United States.

BASAHIN: 60 days suspension, ipinataw ng Kamara kay Teves

Nito lamang ding Lunes ay isiniwalat naman ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na isa si Teves sa mga tinitingnan nilang mastermind sa pagpaslang sa gobernador.

BASAHIN: Teves, isa sa mga tinitingnang mastermind sa pagpaslang kay Degamo – Sec Remulla

Nanawagan naman si Atty. Ferdinand Topacio, legal counsel ni Teves, na itigil na ang “trial by publicity”. Hindi na rin umano siya nasurpresa sa ipinahayag ni Remulla hinggil kay Teves.

BASAHIN: Abogado ni Teves sa tinitingnang ‘mastermind’ sa Degamo-slay case: ‘We are not surprised’

Samantala, binigyang-diin ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Benjamin “Benhur” Abalos Jr. na malakas ang ebidensyang hawak nila laban sa umano’y mastermind sa pagpaslang kay Gov. Degamo.

BASAHIN: Abalos, sinabing malakas ang ebidensya vs mastermind ng Degamo-slay case

Matatandaang nasawi ang gobernador, kasama ang walo pang nadamay, noong Marso 4 matapos itong pagbabarilin ng mga armadong lalaki sa harap ng kaniyang bahay habang nakikipag-usap sa mga benepisyaryo ng 4Ps.

BASAHIN: Negros Oriental Gov. Degamo, pinagbabaril, patay!