Sa unang pagkakataon, magkakaroon na ng Tagalog Language Course ang prestihiyosong unibersidad ng Harvard, pag-aanunsyo ng student publication na The Harvard Crimson nitong Lunes, Marso 27.

Sa pahayag ng Crimson, magha-hire ang Department of South Asian Studies ng tatlong preceptors na magtuturo ng lenggwaheng Tagalog, maging ng Bahasa Indonesian, at Thai, mula academic year 2023-2024.

Ibinahagi naman ni Executive Director Elizabeth K. Liao na nagkaroon ang Harvard University Asia Center ng pinansiyal na suporta sa mga nasabing posisyon sa pamamagitan ng fundraising efforts.

“We’re very excited and hopeful that these positions will be a game-changer in terms of the Asia Center’s long-term mission to build Southeast Asian studies at Harvard, as well as the university’s engagement with the region,” ani Liao sa publikasyon.

Internasyonal

Tinatayang 150 milyong bata sa buong mundo, nananatiling 'undocumented'

Samantala, ayon naman kay James Robson, isang propesor sa East Asian Languages and Civilizations at direktor ng Asia Center, gumugol ang departamento ng mahigit dalawang taon para madagdagan ang pag-aaral sa Harvard ng mga leksyon hinggil sa Southeast Asia.

“What I’m hoping is that if we can demonstrate that there’s demand for these languages and students show up and are excited about it, then hopefully we can also use this to convince the administration to further support Southeast Asian studies generally and language instruction in particular,” aniya.

Bago ang nasabing anunsyo, mayroon lamang umanong isang kurso na may kinalaman Pilipinas na inaalok sa Harvard. Ito ay ang survey course sa kasaysayan ng Southeast Asia.

Tinatag umano ang nasabing prestihiyosong unibersidad noong 1636, halos 400 taon na mula sa kasalukuyan.