Marami ang naka-relate sa TikTok post ng singer at dating produkto ng The Voice of the Philippines na si Daryl Ong. Very touching ang naging kuwento ng mahusay na singer dahil tungkol ito sa kaniyang mahal na ina na pumanaw last 2022.

Gumawa si Daryl ng video habang nasa loob ng kotse niya at habang nagda-drive sa mismong araw ng kaniyang kaarawan noong March 24. Aniya, first time raw sa buong buhay niya magse-celebrate na wala na ang kaniyang nanay.

“Share ko lang habang papalapit nang papalapit yung araw na ito naikuwento ko ito sa asawa ko kay Dea na sabi ko parang pabigat nang pabigat yung pakiramdam ko. And to be honest ayokong mag-celebrate ngayong araw dapat. Sabi ko kay Dea sa bahay lang kami. Kasi nagsimulang nagkasakit yung Nanay ko noong 2018 medyo nagbago yung pananaw ko sa birthday sa pag-celebrate ng birthday."

"Gusto ko laging kasama siya sa celebration. Kasi yung mga nanay naman talaga natin ang… kumbaga naisugal ang buhay nila noong araw nang pinanganak nila tayo di ba. So kumbaga kung birthday ko ngayon, ano naman sa kaniya? Giving birthday.”

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Matatandaang noong October 31, 2022, malungkot na ibinalita ni Daryl na pumanaw na ang kaniyang butihing ina.

Ayon pa kay Daryl, everytime raw siyang nagse-celebrate ng birthday iniispoiled daw niya ang kanyang ina, tinitreat niya ito. Sobrang thankful daw siya sa kanyang ina sa mga sakripisyo niya bilang Nanay.

Kaya naman sa mismong araw ng birthday ni Daryl, ginawa pa rin niya ang usual na pagtreat sa kaniyang ina. Kagaya ng pagbili ng bouquet ng flowers sa isang flowers shop na pinakita niya habang nasa loob ng kotse. Maging ang paboritong pagkain ng kaniyang ina na beef mechado sa isang kilalang restoran sa La Loma ay kaniya ring binili. Iyon daw kasi ang isa sa mga pagkaing nirequest ng kaniyang ina bago ito pumanaw.

“Ito yung isa sa pinakanami-miss ko na pakiramdam yung pabalik ka ng bahay uuwi ka ng bahay may dala kang flowers or may dala kang pagkain. Sobrang appreciative ng Nanay ko.”

Pag-uwi ni Daryl, hinandog niya ang bulaklak na dala sa urn ng kaniyang ina.

“Yan na ang aking mommy. Ma, may dala akong flowers para sayo. Happy birthday! Happy giving birthday sa akin, 36 years ago. Maraming maraming salamat sa lahat ng sakripisyo mo bilang Nanay. Sa lahat ng pagmamahal mo sa amin, pag-alaga mo sa amin. I love you Ma. Miss you. Para sa'yo itong flowers sana nakikita mo ito sa heaven. Sana namimiss mo rin kami. Miss na miss ka namin Ma. Miss na miss kita. I love you."