Pinuri ni Taguig City Mayor Lani Cayetano ang dalawang kababaihang pulis na tumanggi sa P100,000 na suhol mula sa isang Chinese national.
Inaresto noong Marso 26 ang Chinese national na si Bin Li, 40, sales manager, matapos umanong tangkang suholan ang mga pulis na sina Monaliza Bosi at Charmaine Galapon, kapwa nakatalaga sa Taguig Police Substation 1 sa Bonifacio Global City, ng P100,000 kapalit ng pagpapalaya ng kanyang kaibigan.
"These patrolwomen are exemplary models for standing their ground in a situation where their integrity was put to a test," sabi ni Mayor Cayetano.
Sinubukan ni Bin Li na suhulan ang dalawang pulis para sa pagpapalaya sa kanyang kaibigan, si Deng Jiliang, 33, na nagtatrabaho bilang isang IT staff sa isang kumpanya sa BGC.
Si Deng ay inaresto ng pulisya matapos mahulihan ng hinihinalang shabu at mga drug paraphernalia.
Sinabi ni Cayetano na ang Marso ay Women’s Month at binigyang-diin ng dalawang opisyal na ang mga kababaihang Pilipino ay maaasahan, at mapagkakatiwalaan na gawin ang tama.
"When you're put in a situation where you have to choose between what's right and personal gain, and you choose what's right, that just shows the type of person you are. That's exactly who our policewomen and our Taguig Police are, and that's really something to be very proud of," sabi ng alkalde.
Pinapurihan din ni Col. Robert Baesa, hepe ng Taguig police, ang mga babaeng pulis.
“This exemplary act is worth emulating and I urge all police officers under my watch to do the same. Let’s continue to serve and protect the public with integrity,” aniya.
Si Bin Li ay kakasuhan ng paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act).
Jonathan Hicap