LIPA CITY, Batangas -- Patay ang isang menor de edad at pito naman ang sugatan, kabilang ang isang pulis, sa isang aksidente sa Brgy. Mabini ng siyudad na ito, Lunes, Marso 27.

(Photo by Lipa City PNP via Danny Estacio/MANILA BULLETIN)

Sa ulat ng Lipa City Police, nasawi ang 17-anyos na estudyanteng lalaki na naninirahan sa Plantacion Meridienne Subd. Brgy. Cumba, Lipa City.

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Kinilala rin ang mga sugatan na sina Jomel Loto, 22, drayber ng Kawasaki tricycle at sakay nito na si Maria Claudine Loto, 24, kapuwa residente ng Brgy. Mabini; Melvin Belino, 43, drayber ng tricycle, at mga pasahero nito na sina Marilou Belino, 45, mananahi, Nancy Macuha, 47, empleyado at Richelle Macuha, sewer at mga residente ng Brgy. San Guillermo, at si Police Staff Sergeant Niño Ian Leynes, 36, rider ng Yamaha Nmax motorcycle at residente ng Brgy. Rizal.

Ayon sa ulat, dakong 6:50 ng gabi binabagtas ng dalawang tricycle at motorsiklo ang Brgy. Mabini  nang araruhin ng humahagibis na Toyota Vios Sedan na minamaneho ng menor de edad.

Dahil sa lakas ng pagkakabangga, ang tricycle ni Belino ay nakaladkad ng kotse at dito sumalpok sa motorsiklo ni Leynes na nasa kabilang linya.

Samantalang ang tricycle ni Loto ay tumilapon sa isang bahay.

Ang mga sugatan ay isinugod sa Lipa City District Hospital at si Marilou ay sa Divine Love General, samantalang ang menor de edad ay idineklarang dead on arrival sa Lipa City District Hospital.