Hindi nakaligtas sa netizens ang nananahimik lang na si Toni Gonzaga kasunod ng mabilis na pag-sell-out ng concert tickets para ika-20 anniversary ni Popstar Royalty Sarah Geronimo sa Araneta Coliseum.

Talak kasi ng ilang netizens, ang impluwensya raw si Sarah G ang tunay na powerful kumpara sa tinaguriang “most powerful celebrity” na actress-singer-host.

Diana Zubiri, 'di pinagsisihang nagsimula bilang sexy actress

Matatandaang kinailangan pang buksan kamakailan ang dagdag na mga upuan sa Araneta Coliseum para sa mga naghahabol pang fans, at sa kabila pa rin nito ay agad ding nahurot ng gigil na Popsters ang nagbukas na seats.

Habang mababasa ang pagbubunyi ng fans ni Sarah G sa dagdag na success nito ay ilang netizens ang muli na namang pinukol ang naging anniversary concert din ni Toni G noong Enero sa parehong venue.

Basahin: Pagpapamudmod ng ticket sa concert ni Toni, confirmed: Pati mga senador, pinagbentahan daw – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Matatandaang sa chika ng talent manager na si Ogie Diaz, confirmed umanong nagpamudmod noon ng mga tiket ang singer maging sa mga senador, at niresbakan din umano ng inang si Mommy Pinty ang ticket sales para mairaos ito.

“Totoo namang namimigay sa labas. Totoo rin na namigay ng mga tickets sa mga kakilala. Kahit ‘yung mga senador daw [napagbentahan] ng tickets,” ispluk noon ni Ogie sa kaniyang vlog.

Narito ang talak ng netizens laban kay Toni G sa naunang mga istorya ng Balita ukol sa concert ni Sara G:

“I hope the most powerful celeb will learn a lot in terms of having a concert. More power Sarah G,” sey ng isang netizen.

“Genuine sold out tickets!” segunda ng isa pa.

“Ang totoong sold out concert!”

"Yan ang tunay na powerful!"

“Yan Ang sold out Hinde ung pinilit mapuno hahahaha”

“Wow! At least didn't brag of being powerful but so many followers and fans. God bless SG!”

“Toni G could never!”

“Kumusta si Toni?”

“Gnyan ang legit performer.. Hnd 2lad NG iba jn trying hard to be🤣😂

Samantala, panawagan naman ngayon ng fans ang dagdag na araw ng show para sa marami pang Popsters na hindi pa nakabili ng tiket.

Wala pang tugon ang producers sa hiling na ito ng fans.