Nasa 300 piraso ng food packs ang ipinagkaloob ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) para sa mga katutubong naninirahan sa Capas, Tarlac.

Mismong si PCSO General Manager Melquiades A. Robles ang nagkaloob ng mga naturang food packs kay Philippine Naval Special Operations Command (NAVSOCOM) Chief of Staff CDR Joel V. Cabigon PN.

Isinagawa ang turnover ceremony ng mga food packs sa Office of the General Manager ng PCSO sa Sun Plaza Building, Shaw Blvd., Mandaluyong City nitong Lunes.

Nabatid na ang nasabing tulong ay bilang pagtugon sa kahilingan ng NAVSOCOM sa PCSO para mabigyan ng karagdarang ayuda ang mga kababayan nating katutubo na naninirahan sa Brgy. Sta. Juliana, Crow Valley, Capas, Tarlac.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Dumalo rin naman sa nasabing seremonya sina PCSO Director (Ret.) Judge Felix Reyes, LCDR Lemuel Rosete PN at LT Goreati Christi Manatad PN.

Anang PCSO, ang programang ito ay bahagi ng kanilang Corporate Social Responsibility.