Pagmumultahin ng ₱1,200 ang mga driver ng public utility vehicle na lalabag sa ipinatutupad na exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue, Quezon City.

Ito ang babala ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) nitong Lunes, Marso 27 kasunod na rin ng implementasyon ng nasabing bagong polisiya.

Kabilang sa PUV ang bus, jeepney, taxi at iba pang kahalintulad behikulo.

Mas mataas ang nasabing multa kumpara sa ipapataw sa mga lumalabag na nagmomotorsiklo at private vehicle driver na aabot lamang sa ₱500.

Metro

Tinatayang 14,000 kapulisan, nakahanda na para sa Traslacion 2025

Katwiran naman ng MMDA, layunin lamang nilang madisiplina ang mga gumagamit ng kalsada upang maiwasan ang aksidente.

Tutulong sa pagpapatupad ng bagong sistema ang local government ng Quezon City.

Ang motorcycle lane ay mula Elliptical Road hanggang Doña Carmen.