Nasa 1,391 na ang nahuling lumabag sa exclusive motorcycle lane sa Commonwealth Avenue sa Quezon City nitong Lunes, Marso 27.

Sa social media post ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA), ang naturang bilang ay naitala sa unang araw ng implementasyon ng bagong polisiya.

Sinabi ng MMDA, 532 nagmomotorsiklo ang tiniketan habang 859 na pribadong sasakyan ang hinuli rin dahil sa pagpasok sa exclusive lane.

Kapag nagbayad na ang mga ito, kikita ang pamahalaan ng aabot sa ₱695,500 dahil ₱500 ang magigingmulta ng mga nagmomotorsiklo at driver ng pribadong sasakyan.

Metro

Tinatayang 14,000 kapulisan, nakahanda na para sa Traslacion 2025

Itinakda naman sa ₱1,200 ang multa ng mga public utility vehicle (PUV), ayon sa MMDA.

Nauna nang ipinaliwanag ng MMDA na layunin ng bagong sistema na madisiplina ang mga motorista at mabawasan ang aksidenteng kinasasangkutan ng mga nagmomotorsiklo.

May dagdag na ulat ni Aaron Recuenco