Kinumpirma ng independent, non-commissioned na "Boses ng Bayan" nationwide survey ng RP-Mission and Development Foundation Inc. (RPMD) na si Anna Mae Lamentillo ng Department of Information and Communications Technology (DICT) ang nangungunang tagapagsalita ng gobyerno, na may 89% performance rating.

Pumangalawa naman si Mico Clavano ng Department of Justice na may 87% performance assessment score, kasunod si Daphne Oseña-Paez ng Presidential Communications Office (PCO) na may 85%. Pang-apat si Goddess Hope Libiran ng Department of Budget and Management (DBM) na may 84% approval rating, at panglima si Cesar Chavez ng Department of Transportation (DOTr) na may 82% job satisfaction rating.

National

Ping Lacson, kinilala ambag nina PNoy, PBBM sa estado ng kaso ni Mary Jane Veloso

Sina Marge Gutierrez ng Department of Interior and Local Government (DILG) 81%, Beverly Ho ng Department of Health (DOH) 80%, Mike Poa ng Department of Education (DepEd) 78%, Reynaldo Munsayac ng Office of the Vice President (OVP) 76%, Edu Punay ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) 75%, ay nasa ikaanim hanggang ikasampu, ayon sa pagkakabanggit, sa mga nangungunang tagapagsalita ng gobyerno sa Pilipinas.

Sina Tony Lambino ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) 73%, Toby Nebrida ng Department of Migrant Workers (DMW) 70%, Kristine Evangelista ng Department of Agriculture (DA) 68%, Jean Fajardo ng Philippine National Police (PNP) ) 65%, Medel Aguilar ng Armed Forces of the Philippines (AFP) 63%, Armando Balilio ng Philippine Coast Guard (PCG) 60%, at Jonas Leones ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) 58%, para sa ika-11 hanggang ika-17 na puwesto, ayon sa pagkakabanggit.

Napakahalaga na ang mga ahensya ng gobyerno na ito ay may mabisang tagapagsalita; responsable sila sa pakikipag-ugnayan sa publiko, at kung mabigo silang maihatid ang tamang mensahe, mabibigo ang buong ahensya sa mata ng publiko.

Ang mga nangungunang spokesperson ang 'gatekeepers of the reputation' ng mga ahensya ng gobyerno ay dapat kilalanin at papurihan para sa kanilang mahusay na pagganap, ayon kay Dr. Paul Martinez, Executive Director ng RPMD.

Ang “Top Gov’t Spokesperson Performance Review” ay bahagi ng RPMD national poll na "Boses ng Bayan" na isinagawa sa bawat lungsod sa bawat rehiyon mula Pebrero 25 hanggang Marso 8, 2023, na may kabuuang 10,000 adult respondents. Ang mga nakibahagi sa survey ay mga rehistradong botante, na may margin of error na +/-1% at 95% na confidence level.

Random ang naging pagpili, at ang bilang ng mga respondent sa bawat lungsod ay proporsyonal na ibinahagi batay sa opisyal na istatistika ng populasyon ng pagboto.