Arestado ang "Creed III" aktor na si Jonathan Majors sa kasong pananakal, assault at harassment ng isang 30-anyos na babae noong Sabado ayon sa ulat ng pulisya.
Inaresto ng New York Police ang Hollywood aktor sa isang apartment sa New York.
Ani ng babae na nagsumbong sa mga pulis na siya umano ay sinaktan ng aktor at nagtamo ng sugat sa kaniyang ulo at leeg.
Ani ng abugado ng aktor na si Priya Chaudhry, ” Jonathan Majors is completely innocent and is probably the victim of an altercation with a woman he knows. We are quickly gathering and presenting evidence to the district attorney with the expectation that all charges will be dropped imminently.”
Dagdag pa ni Chaudhry na plano nilang ipakita ang video mula sa sasakyan kung saan naganap ang insidente, kasama ang testimonya ng mga saksi mula sa driver at iba pa.
“All the evidence proves that Mr. Majors is entirely innocent and did not assault her whatsoever," paliwanag ni Atty. Chaudhry
Ayon sa kaniya, lahat ng ebidensya ay nagpapatunay na ang aktor ay ganap na inosente at hindi niya sinaktan ang babae.
"Unfortunately, this incident came about because this woman was having an emotional crisis, for which she was taken to a hospital."
Sa kasalukuyan ay nasa stable na kundisyon na ang babae at patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga pulis.
Kilala ang aktor na bilang kontrabida sa “Ant-Man and the Wasp: Quantumania” at bilang kalaban ni Michael B. Jordan na si Damian “Dame” Anderson sa “Creed III," HBO horror series na “Lovecraft Country” at “Loki” bilang "He Who Remains".