Ikinulong ang isang Chinese matapos suhulan ng ₱100,000 ang mga pulis kapalit ng kalayaan ng isa niyang kaibigan na inaresto dahil umano sa pag-iingat ng iligal na droga sa Fort Bonifacio, Taguig City nitong Linggo ng gabi.

Ang suspek ay kinilala ng pulisya na si Bin Li, 40, sales manager, na dinampot sa loob mismo ng Taguig City Police Sub-station 1 sa 9th Avenue, Bonifacio Global City nitong Marso 26, dakong 11:40 ng gabi.

Sa report ng Taguig City Police, nagtungo si Li sa naturang presinto at hinahanap ang kaibigang nakakulong na nakilalang si Deng Jiliang, 33, isa ring Chinese, na dinampot sa kasong paglabag sa Republic Act 9165.  

Nilapitan umno ni Li ang mga pulis at nakikiusap na pakawalan na ang kaibigan nito kapalit ng ₱100,000.

Metro

Marikina LGU: Ulat na dinukot ang 4 na menor de edad sa lungsod, fake news!

Kaagad na dinakip si Li matapos na masamsam ang nasabing pera at isang Alien Employment Permit identification (ID).

Nahaharap na sa kasong paglabag sa Republic Act 3019 (Anti-Graft and Corrupt Practices Act) si Li.