Magpapatupad ng bawas-presyo produktong petrolyo ang mga kumpanya ng langis sa Martes, ngayong Martes, Marso 28.
Sa magkakahiwalay na abiso ng Shell, Seaoil, Clean Fuel, PTT Philippines at Petro Gazz, magkakaroon ng ₱0.85 tapyas-presyo sa kada litro ng kanilang gasolina, ₱1.30 naman ang ibabawas sa presyo kada litro ng diesel.
Nasa ₱1.90 naman ang ibababang presyo sa kada litro ng kerosene ng Seaoil at Shell.
Ang price adjustment ng Shell, Seaoil, PTT at Petro Gazz ay epektibo dakong 6:00 ng umaga ng Marso 28 habang ang price adjustment ng Clean Fuel ay epektibo dakong 12:01 ng hatinggabi.
Ang paggalaw sa presyo ng gasolina, diesel at kerosene ay bunsod na rin ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang merkado.