Usap-usapan sa social media ang ginawang "promposal" ni Kapamilya actress Andrea Brillantes para sa kaniyang boyfriend na si basketball star player Ricci Rivero, na naganap mismo sa "Born Pink" concert ng sikat na K-pop girl group na "Blankpink" sa Philippine Arena nitong Marso 26.

Magkasamang nanood ang mag-jowa sa concert. Napansin nina Rosé at Lisa ng Blankpink ang itinaas na placard ni Ricci, kung saan binasa nila ang nakasulat na “I just wanna ask Ricci Rivero, will you go to prom with Andrea?”

“Please go to prom with that girl," sey ni Rosé sa kay Ricci.

Yes naman ang sagot ni Ricci sabay halik sa noo ng gf, na nagpadagundong naman sa Philippine Arena.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sey ng mga netizen, tila natalbugan ni Blythe ang girlfriend proposal noon ni Ricci sa kaniya. Abril 2022 nang maging sila ni Andrea.

Ngunit kung marami ang kinilig at natuwa sa move ni Blythe, marami rin ang umokray at nambash sa kaniya at tinawag siyang "papansin" at "clout chaser."

Ayon sa ulat ng Fashion Pulis, nag-post sa kaniyang Instagram story ang ate ni Andrea na si Kayla Aan Gorostiza bilang depensa sa kapatid.

Mababasa ang ganitong text caption sa IG story ng umano'y kapatid ni Blythe, "Yes, yun naman talaga ang point. Fan talaga ang kapatid ko, masama ba kung nag try siya magpapansin sa idols nya? Aminin na natin, lahat tayo gusto nating mapansin ng Blackpink, ok???"

"Umaga pa lang nasa arena na siya para pumila just like everyone else. Nagpaprint siya ng 6 banners para to do a promposal for her very first prom."

"Nagtiis siya ng init, tumayo ng ilang oras, at nagtiis siya wag umihi. She exerted as much effort as everyone else. Artista siya pero hindi ibig sabihin non na bawal siya umasta na parang normal na tao…"

"Di talaga ko nagrereact sa mga ganitong bash but damn, leave my sister alone you bitter people. She's allowed to be a fan girl."

Screengrab mula sa IG story ni Kayla Aan Gorostiza via Fashion Pulis