Tinatayang aabot sa ₱19 milyong halaga ng sigarilyo ang nakumpiska ng Bureau of Customs (BOC) sa isa na namang anti-smuggling operation sa Sta. Cruz, Davao del Sur.
Sa pahayag ng BOC, namataan ng mga tauhan Water Patrol Division (WPD) ng ahensya ang isang kaduda-dudang bangka (MV Amiesha) habang sila ay nagpapatrolya sa karagatang bahagi ng Davao kamakailan.
Nang inspeksyunin, nadiskubre ng mga ito ang kahun-kahong sigarilyo.
Nabigo rin ang mga inarestong na magharap ng kaukulang dokumento para sa nasabing kargamento.
Dahil dito, kaagad na sinamsam ang mga sigarilyo dahil sa paglabag saRepublic Act 10863 o Customs Modernization and Tariff Act 2016.