LICUAN-BAAY, Abra – Nasawi ang isang 65-anyos na lalaki, samantalang pito ang sugatan matapos bumaligtad ang kanilang sinasakyang 'kuliglig' sa kahabaan ng Abra-Kalinga Road, partikular sa Sitio Nagpawayan, Barangay Subagan, Licuan-Baay, Abra nitong Sabado, Marso 25.

Ayon sa Licuan-Baay Municipal Police Station, pababa sa kahabaan ng Abra-Kalinga road ang tri-wheeled na kuliglig na lulan ng 14 na pasahero, nang magkaroon ng mechanical defect (loose brake) at mawalan ng control ang drayber. Ikinabig nito ang sasakyan sa kanang bahagi dahilan ng kanilang pagtaob.

Larawan ni Rizaldy Comanda/PNP

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Agad na dinala ng mga rumespondeng tauhan mula sa Licuan-Baay MPS, Bureau of Fire Protection (BFP) Licuan-Baay, Licuan-Baay Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office (MDRRMO), at Philippine Army ang mga biktima sa Abra Provincial Hospital para sa agarang interbensyong medikal..

Dead on arrival sa Abra Provincial Hospital ang biktimang si Molino Sabado, 65, samantalang grabeng sugatan si Benito Baula, 26; at nagtamo naman ng mga danyos sa katawan sina Gemma Sigabu Gudtan, 52; Mario Gudtan, 54; Jackson Cayyung, 34; Anita Zapata, 69; Delfin Tandingan, 61; at Marcelino Baola, 64.

Ang limang pang pasahero sina Oswald Zapata, 33; Carlo Jay Amado, 30; Arthur Buyao, 28 at dalawang menor de edad na nagtamo ng minor injuries ay pinauwi naman agad matapos ang medical assessment.

Samantala, nasa kustodiya na ng Licuan-Baay MPS ang driver na si Jafer Ramirez Tangonan, 43, para sa dokumentasyon at tamang disposisyon.