Tila hindi na pinapansin ni Angat Buhay chairperson at former Vice President Leni Robredo ang bashers ng pagsusuot niya ng kasuotan bilang samurai warrior sa harap ng Mount Fuji sa Japan, matapos niya bumisita roon noong Marso 23 para sa kaniyang mga tagasuporta, at paglulunsad ng Angat Buhay programs.

"Was in Tokyo for a few days for a visit to supporters and the launch of our partnerships with them for our Angat Buhay Programs. Thankful that 3 of my good friends accompanied me. But even more grateful to our friends and supporters who brought us around during our very short visit. Will do a separate post on them," caption ni Robredo.

View this post on Instagram

A post shared by Leni Gerona Robredo (@lenirobredo)

National

Leni Robredo, bumisita sa Japan para sa Angat Buhay programs

Agaw-pansin ang kaniyang mga litrato katabi ang puno ng cherry blossoms gayundin ang kaniyang pagsusuot ng samurai costume, na pinagtaasan ng kilay ng kaniyang kritiko at detractors dahil tila pambabastos daw sa mga samurai.

May sumita rin na baligtad daw ang pagkakasuot ng costume ni Robredo.

Ngunit sa kaniyang Instagram stories ay flinex ng dating Vice President ang paglalakad habang nakasuot ng samurai costume na may caption na "May reklamo ka? Chozzz."