Isang 80-anyos na lola mula sa Canada ang halos anim na dekada nang nagdodonate ng dugo para makatulong sa iba. Dahil dito, ayon sa Guinness World Records (GWR), siya na ngayon ang babaeng may pinakamaraming na-idonate na dugo sa buong mundo.

Sa ulat ng GWR, tinatayang 203 units o mahigit 96 litrong dugo na ang nawala kay Josephine Michaluk sa mga nakalipas na taon dahil sa pagdo-donate niya at pagnanais na maisalba ang buhay ng maraming maysakit.

Nagsimula umanong mag-donate si Josephine ng dugo noong 1965 nang siya'y 22 taong gulang.

Isinama lamang umano siya noon ng kaniyang ate na may appointment sa blood donation nang mga sandaling iyon.

Human-Interest

10 anak napag-aral sa kolehiyo ng mga magulang sa pagtitinda ng fishball, balut

“I decided I would join her and that was the beginning,” ani Josephine sa GWR.

Magmula raw noon ay nagtuloy-tuloy na ang pagbibigay niya. Sa tuwing magdo-donate umano siya ng dugo, hindi siya nakararamdam ng sakit bagkus ay nagiging "energetic" para raw siya sa kabila ng isang unit ng dugong na nawawala sa kaniya sa bawat blood donation.

“I feel like I have it in me to give,” ani Josephine. “I can share it to people that need it.”

Ayon sa GWR, in high demand pa raw sa USA ang blood type ni Josephine na Type O+ dahil sa ito ang pinakakaraniwang blood type doon. Binanggit din nito ang datos ng American Red Cross, kung saan 37% umano ng populasyon sa USA ay Type O+.

"In the USA, there is no upper age limit for blood donation as long as the donor is in good health, and Josephine says she plans to keep it up for as long as she’s alive," anang GWR.

"Before she gives blood, checks are carried out to ensure she is in good shape, and her iron level is tested to make sure it’s sufficiently high enough," dagdag nito.

Kahit pa 80-anyos na si Josephine, hindi umano ito nagiging balakid sa pagnanais niyang mag-donate ng dugo.

"Her rate of donation has not slowed down at all, still averaging over four per year," anang GWR.

Umaasa naman daw si Josephine na marami ang mai-inspire sa kaniyang ginagawang pagbibigay ng dugo para makatulong, lalo na sa mga pasyenteng sumasailalim sa cancer therapy, organ transplants, at mga sakit na nangangailangan ng blood transfusions.

“There should be a lot more people doing it. There is such a high demand for blood to save lives,” ani Josephine.

Hindi rin umano niya inaasahang magkakaroon siya ng titulo sa Guinness World Records dahil hindi raw ito ang pakay niya nang mapagpasyahang gugulin ang kaniyang buhay sa pagkakaloob ng dugo sa iba.

“I never even thought I would have a record; I was not donating for that reason. And I plan on keeping on,” ani Josephine.