Inanunsyo ni Manila Mayor Honey Lacuna nitong Linggo na tuloy-tuloy pa rin ang pagpapailaw sa mga natitirang madilim na bahagi ng lungsod ng Maynila, sa ilalim ng kanyang administrasyon.

Ito’y upang mahadlangan ang mga masasamang elemento na nagkakanlong sa madidilim na lugar at naghihintay ng pagkakataon upang makagawa ng krimen at makapambiktima.

Nabatid na mismong si Lacuna ang nanguna sa pagpapailaw sa abalang kalye ng Juan Luna sa Binondo, kasama sinathird district Congressman Joel Chua, Vice Mayor Yul Servo, City Engineer Armand Andres, City Electrician Randy Sadacthird district City Councilors Fa Fugoso, Terence Alibarbar, Apple Nieto, at iba pa.

Sinabi ni Andres na pinailawan ng lungsod ang kahabaan ng Juan Luna mula Muelle dela Industria hanggang C.M. Recto, gamit ang 68 sets ng200 watts, warm white, led streetlights na may 30 feet steel lamp posts.

Politics

Dalawang Tulfo brothers, nanguna sa survey ng senatorial race

“Napakahalaga ng pagpapailaw dito dahil puntahin ng tao ang lugar na ito, gaya ng Café 1919 na paborito naming tambayan at dinarayo hindi lamang ng mga taga-Maynila kundi maging ng mga taga-karatig lungsod dahil maganda na ang lugar, masarap pa ang pagkain,” anang alkalde.

Sinabi pa ng lady mayor na ang pagpapailaw ng nasabing lugar ay isang paraan na rin ng pagpa-promote ng mga negosyo dito, pagpapalakas ng turismo na makakatulong sa progreso ng ekonomiya sa lungsod.

“Kahilingan din ng mga barangay officials na mapailawan ang kanilang lugar and this is good for business at para din makaiwas sa mga pangyayaring di kanais-nais kapag ang isang lugar ay madilim,” sabi ng alkalde.

“Umasa kayo na ang pamahalaang lungsod ay sisikaping paliwanagin pang lalo ang buong Kamaynilaan to also help maintain peace and order at pag mas maaliwalas ang kapaligiran, maeengganyo ang maraming businesses na magtayo dito,” pagtitiyak din ng alkalde.

Ibinahagi din ni Lacuna na, hindi na mangangamba ang mga pedestrians at motorista kapag sumapit ang gabi kapag dadaan sila hindi lamang sa Binondo kundi sa buong lungsod.

Ayon pa kay Lacuna, ang streetlighting sa abalang kalye ng Juan Luna ay simbolo nang pagsisimula ng panibagong hakbang na mapailawan ang buong lungsod ng Maynila habang nagsisikap ang pamahalaang lokal na mapalakas ang turismo sa kabisera ng bansa.