MABALACAT CITY, PAMPANGA -- Ikinandado ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency Region III (PDEA-3) at ng lokal na pulisya ang isang makeshift drug den sa Barangay San Joaquin noong Sabado, Marso 25.

Ang entrapment operation ay nagresulta sa pagkakaaresto sa tatlong drug suspect at pagkakasamsam ng nasa Php 88,400.00 halaga ng shabu. Ang mga naarestong suspek na kinilala ng PDEA ay sina Ryan Yumul, Richard Corpin at Dennis Yumul.

Larawan ng PDEA

Probinsya

Tinatayang 132,000 pamilya, lumikas sa Eastern Visayas dahil sa super typhoon Pepito

Ayon sa PDEA, ang pagkakadiskubre sa den ay nagmula sa tip ng isang concerned citizen sa lugar.

Basahin: Isa pang drug den sa Mabalacat, pinuksa ng PDEA, PNP; 5 suspek, arestado – Balita – Tagalog Newspaper Tabloid

Nakuha sa mga nahuli na suspek ang apat na plastic sachet na naglalaman ng humigit-kumulang 13 gramo ng shabu, sari-saring gamit sa droga, at ang buy-bust money.

Larawan ng PDEA

Mahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.